Micas 7

Sinabi ni Micas: Kahabag-habag ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng natitirang bunga ng ubas o igos ngunit walang makita ni isang kumpol nito.

Micah 7:1 (UKJV) Woe is me! for I am as when they have gathered the summer fruits, as the gleaning of grapes of the vintage: there is no cluster to eat: my soul desired the first-fruits fruit.

1Sinabi ni Micas: Kahabag-habag ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng natitirang bunga ng ubas o igos ngunit walang makita ni isang kumpol nito.

2Wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Diyos. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon upang patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag para sa hayop na kanyang huhulihin.

3Bihasa silang gumawa ng kasamaan. Ang mga pinuno at mga hukom ay tumatanggap ng suhol. Sumusunod lamang sila sa gusto ng mga taong tanyag at makapangyarihan. Nagkakaisa sila upang baluktutin ang katarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.