Nehemias 5

Sa halip, ginawa ko ang lahat upang maitayong muli ang pader sa tulong ng mga tauhan ko. At hindi ako nang-angkin ng lupa.

Nehemiah 5:16 (UKJV) Yea, also I continued in the work of this wall, neither bought we any land: and all my servants were gathered thither unto the work.

14Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ikadalawampung taon hanggang ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes, ako at ang mga kamag-anak ko ay hindi tumanggap ng pagkaing para sa gobernador.

15Ngunit ang mga gobernador na nauna sa akin ay naging pasanin ng mga tao, dahil humihingi sila ng pang-araw-araw nilang pagkain at inumin maliban pa sa 40 pirasong pilak. Pati ang mga opisyal nila ay nang-abuso ng mga tao. Ngunit hindi ko ito ginawa, dahil may takot ako sa Diyos.

16Sa halip, ginawa ko ang lahat upang maitayong muli ang pader sa tulong ng mga tauhan ko. At hindi ako nang-angkin ng lupa.

17Palagi kong pinapakain ang 150 Hudyong opisyal bukod pa sa mga bisitang mula sa paligid na mga bansa.

18Araw-araw akong nagpapakatay ng isang baka, anim na matatabang tupa, at mga manok. At tuwing ikasampung araw ay naglalabas ako ng marami at ibaʼt ibang klaseng inumin. Sa kabila nito, hindi ako tumanggap ng pagkaing para sa gobernador, dahil nalaman kong nabibigatan na ang mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.