Nehemias 5

Ngunit ang mga gobernador na nauna sa akin ay naging pasanin ng mga tao, dahil humihingi sila ng pang-araw-araw nilang pagkain at inumin maliban pa sa 40 pirasong pilak. Pati ang mga opisyal nila ay nang-abuso ng mga tao. Ngunit hindi ko ito ginawa, dahil may takot ako sa Diyos.

Nehemiah 5:15 (UKJV) But the former governors that had been before me were chargeable unto the people, and had taken of them bread and wine, beside forty shekels of silver; yea, even their servants bare rule over the people: but so did not I, because of the fear of God.

13Ipinagpag ko ang balabal ko sa baywang ko at sinabi, “Ganito nawa ang gawin ng Diyos sa mga bahay at ari-arian ninyo kapag hindi ninyo tinupad ang pangako ninyo. Kunin nawa niya ang lahat ng ito sa inyo.” Ang lahat ng tao roon ay sumagot, “Siya nawa,” at pinuri nila ang Panginoon. At tinupad ng mga pinuno at ng mga opisyal ang pangako nila.

14Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ikadalawampung taon hanggang ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes, ako at ang mga kamag-anak ko ay hindi tumanggap ng pagkaing para sa gobernador.

15Ngunit ang mga gobernador na nauna sa akin ay naging pasanin ng mga tao, dahil humihingi sila ng pang-araw-araw nilang pagkain at inumin maliban pa sa 40 pirasong pilak. Pati ang mga opisyal nila ay nang-abuso ng mga tao. Ngunit hindi ko ito ginawa, dahil may takot ako sa Diyos.

16Sa halip, ginawa ko ang lahat upang maitayong muli ang pader sa tulong ng mga tauhan ko. At hindi ako nang-angkin ng lupa.

17Palagi kong pinapakain ang 150 Hudyong opisyal bukod pa sa mga bisitang mula sa paligid na mga bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.