Nehemias 5

Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ikadalawampung taon hanggang ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes, ako at ang mga kamag-anak ko ay hindi tumanggap ng pagkaing para sa gobernador.

Nehemiah 5:14 (UKJV) Moreover from the time that I was appointed to be their governor in the land of Judah, from the twentieth year even unto the two and thirtieth year of Artaxerxes the king, that is, twelve years, I and my brethren have not eaten the bread of the governor.

12Sumagot sila, “Ibabalik namin ang lahat ng iyon sa kanila. Hindi na namin sila sisingilin. Gagawin namin ang sinasabi mo.” Ipinatawag ko ang mga pari at pinasumpa sa harapan nila ang mga pinuno at ang mga opisyal na tutuparin nila ang pangako nila.

13Ipinagpag ko ang balabal ko sa baywang ko at sinabi, “Ganito nawa ang gawin ng Diyos sa mga bahay at ari-arian ninyo kapag hindi ninyo tinupad ang pangako ninyo. Kunin nawa niya ang lahat ng ito sa inyo.” Ang lahat ng tao roon ay sumagot, “Siya nawa,” at pinuri nila ang Panginoon. At tinupad ng mga pinuno at ng mga opisyal ang pangako nila.

14Sa loob ng labindalawang taon na naglingkod ako bilang gobernador ng Juda, mula nang ikadalawampung taon hanggang ikatatlumpuʼt dalawang taon ng paghahari ni Artaherhes, ako at ang mga kamag-anak ko ay hindi tumanggap ng pagkaing para sa gobernador.

15Ngunit ang mga gobernador na nauna sa akin ay naging pasanin ng mga tao, dahil humihingi sila ng pang-araw-araw nilang pagkain at inumin maliban pa sa 40 pirasong pilak. Pati ang mga opisyal nila ay nang-abuso ng mga tao. Ngunit hindi ko ito ginawa, dahil may takot ako sa Diyos.

16Sa halip, ginawa ko ang lahat upang maitayong muli ang pader sa tulong ng mga tauhan ko. At hindi ako nang-angkin ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.