Nehemias 9

Nakita nʼyong tapat siya sa inyo, at gumawa kayo ng kasunduan sa kanya na ibibigay nʼyo sa mga lahi niya ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at ng mga Gergeseo. At tinupad po ninyo ang pangako nʼyo, dahil matuwid kayo.

Nehemiah 9:8 (UKJV) And found his heart faithful before you, and made a covenant with him to give the land of the Canaanites, the Hittites, the Amorites, and the Perizzites, and the Jebusites, and the Girgashites, to give it, I say, to his seed, and have performed your words; for you are righteous:

6Ikaw lang po ang Panginoon. Ginawa nʼyo ang langit, ang lupa, ang dagat, at ang lahat ng mga naroroon. Binigyan nʼyo po ng buhay ang lahat ng inyong nilikha, at sinasamba kayo ng mga anghel sa langit.

7“Kayo ang Panginoong Diyos na pumili kay Abram at naglabas sa kanya sa Ur na sakop ng mga Caldeo. At pinangalanan nʼyo siyang Abraham.

8Nakita nʼyong tapat siya sa inyo, at gumawa kayo ng kasunduan sa kanya na ibibigay nʼyo sa mga lahi niya ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at ng mga Gergeseo. At tinupad po ninyo ang pangako nʼyo, dahil matuwid kayo.

9“Nakita nʼyo po ang pagtitiis ng aming mga ninuno sa Ehipto. Narinig nʼyo ang paghingi nila ng tulong sa inyo noong naroon sila sa Dagat na Pula.

10Gumawa kayo ng mga himala at kamangha-manghang bagay laban sa Faraon, at sa lahat ng mga opisyal niya at tauhan, dahil nalalaman nʼyo kung paano nila inapi ang aming mga ninuno. At ang inyong pangalan ay tanyag hanggang ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.