13Saan po ba ako kukuha ng karne para sa mga taong ito? Dahil patuloy ang pagrereklamo nila sa akin na bigyan ko sila ng karneng makakain nila.
14Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin.
15Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin nʼyo na lang ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa.”
16Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo.
17Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.