15Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin nʼyo na lang ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa.”
16Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo.
17Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.
18“Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao: ‘Linisin ninyo ang inyong sarili dahil bukas, may makakain na kayong karne.’ Narinig ng Panginoon ang inyong mga reklamo, ‘Kung may karne sana tayong kakainin! Mas mabuti pa ang buhay natin sa Ehipto!’ Kaya bukas, bibigyan kayo ng Diyos ng karne at makakakain kayo.
19Hindi lang isang araw, o dalawa, o lima, o sampu, o dalawampung araw ang pagkain ninyo nito,