Mga Bilang 11

Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo.

Numbers 11:16 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Gather unto me seventy men of the elders of Israel, whom you know to be the elders of the people, and officers over them; and bring them unto the tabernacle of the congregation, that they may stand there with you.

14Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin.

15Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin nʼyo na lang ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa.”

16Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo.

17Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.

18“Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao: ‘Linisin ninyo ang inyong sarili dahil bukas, may makakain na kayong karne.’ Narinig ng Panginoon ang inyong mga reklamo, ‘Kung may karne sana tayong kakainin! Mas mabuti pa ang buhay natin sa Ehipto!’ Kaya bukas, bibigyan kayo ng Diyos ng karne at makakakain kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.