Mga Bilang 11

“Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao: ‘Linisin ninyo ang inyong sarili dahil bukas, may makakain na kayong karne.’ Narinig ng Panginoon ang inyong mga reklamo, ‘Kung may karne sana tayong kakainin! Mas mabuti pa ang buhay natin sa Ehipto!’ Kaya bukas, bibigyan kayo ng Diyos ng karne at makakakain kayo.

Numbers 11:18 (UKJV) And say you unto the people, Sanctify yourselves against tomorrow, and all of you shall eat flesh: for all of you have wept in the ears of the LORD, saying, Who shall give us flesh to eat? for it was well with us in Egypt: therefore the LORD will give you flesh, and all of you shall eat.

16Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo.

17Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.

18“Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao: ‘Linisin ninyo ang inyong sarili dahil bukas, may makakain na kayong karne.’ Narinig ng Panginoon ang inyong mga reklamo, ‘Kung may karne sana tayong kakainin! Mas mabuti pa ang buhay natin sa Ehipto!’ Kaya bukas, bibigyan kayo ng Diyos ng karne at makakakain kayo.

19Hindi lang isang araw, o dalawa, o lima, o sampu, o dalawampung araw ang pagkain ninyo nito,

20kundi isang buwan, hanggang sa magsawa kayo at hindi na kayo makakain nito. Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon na sumasama sa inyo, at nagreklamo kayo sa kanya na sinasabi, ‘Sanaʼy hindi na lang kami umalis sa Ehipto.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.