9Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.
10Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita, at nagkampo sila sa Obot.
11Mula sa Obot, naglakbay silang muli at nagkampo sa Iye Abarim, sa disyerto na nasa bandang silangan ng Moab.
12Mula roon, naglakbay sila at nagkampo sa Lambak ng Zered.
13At mula sa Zered naglakbay na naman sila at nagkampo sa kabila ng Lambak ng Arnon, na nasa ilang na malapit sa teritoryo ng mga Amoreo. Ang Arnon ang hangganan sa gitna ng lupain ng mga Moabita at lupain ng mga Amoreo.