Mga Bilang 21

Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.

Numbers 21:9 (UKJV) And Moses made a serpent of brass, and put it upon a pole, and it came to pass, that if a serpent had bitten any man, when he beheld the serpent of brass, he lived.

7Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.

8Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”

9Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.

10Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita, at nagkampo sila sa Obot.

11Mula sa Obot, naglakbay silang muli at nagkampo sa Iye Abarim, sa disyerto na nasa bandang silangan ng Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.