Mga Bilang 21

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”

Numbers 21:8 (UKJV) And the LORD said unto Moses, Make you a fiery serpent, and set it upon a pole: and it shall come to pass, that every one that is bitten, when he looks upon it, shall live.

6Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagtutuklaw sila, at marami ang namatay sa kanila.

7Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.

8Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”

9Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.

10Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga Israelita, at nagkampo sila sa Obot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.