4Mula sa Bundok ng Hor, naglakbay ang mga Israelita at binaybay ang daan papunta sa Dagat na Pula para makaikot sila sa lupain ng Edom. Ngunit nainip ang mga tao sa kanilang paglalakbay,
5kaya nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At sawang-sawa na kami sa ‘manna’ na ito!”
6Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagtutuklaw sila, at marami ang namatay sa kanila.
7Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.
8Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”