Mga Bilang 21

kaya nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At sawang-sawa na kami sa ‘manna’ na ito!”

Numbers 21:5 (UKJV) And the people spoke against God, and against Moses, Wherefore have all of you brought us up out of Egypt to die in the wilderness? for there is no bread, neither is there any water; and our soul loathes this light bread.

3Pinakinggan ng Panginoon ang pakiusap ng mga Israelita at ibinigay niya sa kanila ang mga Cananeo. Lubusan silang nilipol ng mga Israelita pati ang kanilang mga bayan bilang handog sa Panginoon, kaya tinawag itong lugar ng Horma.

4Mula sa Bundok ng Hor, naglakbay ang mga Israelita at binaybay ang daan papunta sa Dagat na Pula para makaikot sila sa lupain ng Edom. Ngunit nainip ang mga tao sa kanilang paglalakbay,

5kaya nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At sawang-sawa na kami sa ‘manna’ na ito!”

6Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagtutuklaw sila, at marami ang namatay sa kanila.

7Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.