Mga Bilang 21

Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.

Numbers 21:7 (UKJV) Therefore the people came to Moses, and said, We have sinned, for we have spoken against the LORD, and against you; pray unto the LORD, that he take away the serpents from us. And Moses prayed for the people.

5kaya nagreklamo sila sa Diyos at kay Moises. Sinabi nila, “Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto para mamatay lang dito sa disyerto? Walang pagkain at tubig dito! At sawang-sawa na kami sa ‘manna’ na ito!”

6Kaya pinadalhan sila ng Panginoon ng mga makamandag na ahas at pinagtutuklaw sila, at marami ang namatay sa kanila.

7Pumunta ang mga tao kay Moises at sinabi, “Nagkasala kami nang magsalita kami laban sa Panginoon at sa iyo. Ipanalangin ninyo sa Panginoon na tanggalin niya ang mga ahas na ito.” Kaya ipinanalangin ni Moises ang mga tao.

8Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gumawa ka ng ahas mula sa tanso at ilagay ito sa dulo ng isang poste. Ang sinumang nakagat ng ahas na titingin sa tansong ahas na ito ay hindi mamamatay.”

9Kaya gumawa si Moises ng tansong ahas at inilagay niya ito sa dulo ng isang poste. At ang mga nakagat ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi nga namatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.