Mga Bilang 28

“ ‘Sa bawat unang araw ng buwan, maghahandog kayo ng handog na sinusunog sa Panginoon. Ang inyong handog ay dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Numbers 28:11 (UKJV) And in the beginnings of your months all of you shall offer a burnt offering unto the LORD; two young bullocks, and one ram, seven lambs of the first year without spot;

9“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog na pagkaing butil para sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.

10Ito ang handog na sinusunog tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod pa sa pang-araw-araw na handog kasama ang handog na inumin.

11“ ‘Sa bawat unang araw ng buwan, maghahandog kayo ng handog na sinusunog sa Panginoon. Ang inyong handog ay dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

12Ang bawat toro ay sasamahan ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon na mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis, bawat isang lalaking tupa ay sasamahan din ng handog na may mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon.

13At ang batang lalaking tupa ay sasamahan ng handog na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon. Itoʼy mga handog na sinusunog, ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.