Mga Bilang 28

“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog na pagkaing butil para sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.

Numbers 28:9 (UKJV) And on the sabbath day two lambs of the first year without spot, and two tenth deals of flour for a food offering, mingled with oil, and the drink offering thereof:

7Ang handog na inumin na isasama sa bawat tupa ay isang litrong alak at ibubuhos ito sa banal na lugar para sa Panginoon.

8Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupang ihahandog ninyo sa dapit-hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

9“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog na pagkaing butil para sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.

10Ito ang handog na sinusunog tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod pa sa pang-araw-araw na handog kasama ang handog na inumin.

11“ ‘Sa bawat unang araw ng buwan, maghahandog kayo ng handog na sinusunog sa Panginoon. Ang inyong handog ay dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang lalaking tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.