Mga Bilang 28

Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupang ihahandog ninyo sa dapit-hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

Numbers 28:8 (UKJV) And the other lamb shall you offer at even: as the food offering of the morning, and as the drink offering thereof, you shall offer it, a sacrifice made by fire, of a sweet savour unto the LORD.

6Ito ang pang-araw-araw na handog na inyong susunugin na iniutos noon ng Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

7Ang handog na inumin na isasama sa bawat tupa ay isang litrong alak at ibubuhos ito sa banal na lugar para sa Panginoon.

8Ito rin ang gagawin ninyo sa ikalawang tupang ihahandog ninyo sa dapit-hapon. Samahan din ninyo ito ng isang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

9“ ‘Sa araw ng Pamamahinga, maghandog kayo ng dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan, kasama ang handog na inumin at ang handog na pagkaing butil para sa Panginoon na apat na kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis.

10Ito ang handog na sinusunog tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod pa sa pang-araw-araw na handog kasama ang handog na inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.