8Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
9Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa
10at isang kilo sa bawat batang tupa.
11Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa isang handog bilang kapalit ninyo upang matubos kayo sa inyong mga kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon, at sa handog na inumin.
12“Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.