Mga Bilang 29

Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

Numbers 29:9 (UKJV) And their food offering shall be of flour mingled with oil, three tenth deals to a bullock, and two tenth deals to one ram,

7“Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.

8Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

9Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

10at isang kilo sa bawat batang tupa.

11Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa isang handog bilang kapalit ninyo upang matubos kayo sa inyong mga kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon, at sa handog na inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.