Mga Bilang 29

Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa isang handog bilang kapalit ninyo upang matubos kayo sa inyong mga kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon, at sa handog na inumin.

Numbers 29:11 (UKJV) One kid of the goats for a sin offering; beside the sin offering of atonement, and the continual burnt offering, and the food offering of it, and their drink offerings.

9Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

10at isang kilo sa bawat batang tupa.

11Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa isang handog bilang kapalit ninyo upang matubos kayo sa inyong mga kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon, at sa handog na inumin.

12“Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.

13Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: labintatlong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.