Mga Bilang 29

Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Numbers 29:8 (UKJV) But all of you shall offer a burnt offering unto the LORD for a sweet savour; one young bullock, one ram, and seven lambs of the first year; they shall be unto you without blemish:

6Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

7“Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.

8Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

9Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

10at isang kilo sa bawat batang tupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.