Mga Bilang 29

Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

Numbers 29:6 (UKJV) Beside the burnt offering of the month, and his food offering, and the daily burnt offering, and his food offering, and their drink offerings, according unto their manner, for a sweet savour, a sacrifice made by fire unto the LORD.

4at isang kilo sa bawat batang tupa.

5Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.

6Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

7“Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.

8Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.