2Pagkatapos, mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
3Sa paghahandog ninyo ng mga ito, samahan ninyo ito ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ang ihalo ninyo – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo para sa lalaking tupa
4at isang kilo sa bawat batang tupa.
5Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.
6Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.