Mga Bilang 29

Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.

Numbers 29:5 (UKJV) And one kid of the goats for a sin offering, to make an atonement for you:

3Sa paghahandog ninyo ng mga ito, samahan ninyo ito ng mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ang ihalo ninyo – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo para sa lalaking tupa

4at isang kilo sa bawat batang tupa.

5Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan upang mapatawad ang inyong mga kasalanan.

6Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

7“Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.