Mga Bilang 5

kailangang dalhin ng asawa ang babae sa pari. At kailangang magdala din ang lalaki ng handog na isang kilong harinang sebada para sa kanya. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o insenso dahil itoʼy handog ng paghihinala, isang handog pananda para malaman kung may pagkakasalang nagawa.

Numbers 5:15 (UKJV) Then shall the man bring his wife unto the priest, and he shall bring her offering for her, the tenth part of an ephah of barley meal; he shall pour no oil upon it, nor put frankincense thereon; for it is an offering of jealousy, an offering of memorial, bringing iniquity to remembrance.

13at nagkaroon siya ng relasyon sa ibang lalaki at lingid ito sa kaalaman ng asawa niya dahil walang nakakasaksi nito at hindi siya nahuhuli sa akto,

14ngunit nakaramdam ng pagseselos ang asawa niya at naghinalang dinungisan nito ang kanyang sarili, o kayaʼy nagselos at naghinala ang asawa niya kahit na hindi nito dinungisan ang kanyang sarili,

15kailangang dalhin ng asawa ang babae sa pari. At kailangang magdala din ang lalaki ng handog na isang kilong harinang sebada para sa kanya. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o insenso dahil itoʼy handog ng paghihinala, isang handog pananda para malaman kung may pagkakasalang nagawa.

16“Dadalhin ng pari ang babae at patatayuin sa harapan ng Panginoon

17at pagkatapos ay maglalagay ang pari ng tubig sa mangkok na gawa sa putik, at lalagyan niya ito ng alikabok na mula sa sahig ng Toldang Tipanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.