15kailangang dalhin ng asawa ang babae sa pari. At kailangang magdala din ang lalaki ng handog na isang kilong harinang sebada para sa kanya. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o insenso dahil itoʼy handog ng paghihinala, isang handog pananda para malaman kung may pagkakasalang nagawa.
16“Dadalhin ng pari ang babae at patatayuin sa harapan ng Panginoon
17at pagkatapos ay maglalagay ang pari ng tubig sa mangkok na gawa sa putik, at lalagyan niya ito ng alikabok na mula sa sahig ng Toldang Tipanan.
18Kapag pinatayo na ng pari ang babae sa harapan ng Panginoon, ilulugay ng pari ang buhok ng babae, at ilalagay sa kamay niya ang handog ng paghihinala para malaman kung talagang nagkasala ang babae. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang mangkok na may mapait na tubig na nagdadala ng sumpa,
19at pasusumpain niya ang babae at sasabihin sa kanya, ‘Kung hindi mo dinungisan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, hindi ka masasaktan ng parusang dala ng tubig na ito.