1Ito ang mga pangitain ni Obadias. Ganito ang sinabi ng Panginoong Diyos tungkol sa bansang Edom: Narinig namin mula sa Panginoon na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa, “Tumindig kayoʼt salakayin natin ito!”
2“Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at kayoʼy labis na hahamakin.
3Sinasabi ninyong walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili.
4Sapagkat kahit lumipad pa kayong tulad ng agila at magpugad sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,” sabi ng Panginoon.