Obadias 1

Sinasabi ninyong walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili.

Obadiah 1:3 (UKJV) The pride of yours heart has deceived you, you that dwell in the clefts of the rock, whose habitation is high; that says in his heart, Who shall bring me down to the ground?

1Ito ang mga pangitain ni Obadias. Ganito ang sinabi ng Panginoong Diyos tungkol sa bansang Edom: Narinig namin mula sa Panginoon na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa, “Tumindig kayoʼt salakayin natin ito!”

2“Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at kayoʼy labis na hahamakin.

3Sinasabi ninyong walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili.

4Sapagkat kahit lumipad pa kayong tulad ng agila at magpugad sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,” sabi ng Panginoon.

5“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nag-iiwan ng ilang bunga? Ngunit kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.