Obadias 1

Sapagkat kahit lumipad pa kayong tulad ng agila at magpugad sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,” sabi ng Panginoon.

Obadiah 1:4 (UKJV) Though you exalt yourself as the eagle, and though you set your nest among the stars, thence will I bring you down, says the LORD.

2“Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at kayoʼy labis na hahamakin.

3Sinasabi ninyong walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili.

4Sapagkat kahit lumipad pa kayong tulad ng agila at magpugad sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa,” sabi ng Panginoon.

5“Hindi baʼt kapag pinasok ng mga magnanakaw ang iyong bahay, ang kinukuha lamang nila ay ang kanilang magustuhan? At hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nag-iiwan ng ilang bunga? Ngunit kayong lahat ay lilipulin ng inyong mga kaaway.

6Hahanapin nila at kukunin ang lahat ng nakatagong kayamanan ng mga lahi ni Esau.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.