Pahayag 17

At nakita kong nalasing ang babaeng iyon sa dugo ng mga hinirang ng Diyos at sa dugo ng mga saksi ni Hesus. Labis akong namangha nang makita ko siya.

Revelation 17:6 (UKJV) And I saw the woman drunken with the blood of the saints, and with the blood of the martyrs of Jesus: and when I saw her, I wondered with great admiration.

4Kulay ube at pula ang damit ng babae, at may mga alahas siyang ginto, mamahaling bato, at perlas. May hawak siyang gintong tasa na puno ng kasamaan at karumihan niya dahil sa kanyang seksuwal na imoralidad.

5May mahiwagang pangalang nakasulat sa kanyang noo: Ang Dakilang Babilonia, ang Ina ng Lahat ng Babaeng Bayaran, at ng Lahat ng Kasamaan sa Buong Mundo.

6At nakita kong nalasing ang babaeng iyon sa dugo ng mga hinirang ng Diyos at sa dugo ng mga saksi ni Hesus. Labis akong namangha nang makita ko siya.

7Ngunit sinabi sa akin ng anghel, “Huwag kang mamangha. Ipapaliwanag ko ang kahulugan ng hiwaga ng babae at ng halimaw na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sampung sungay.

8Ang halimaw na nakita mo ay buháy noon, pero patay na ngayon. Ngunit muli siyang lalabas mula sa kailaliman, at agad namang mapupunta sa walang hanggang kapahamakan. Makikita siya ng mga taong hindi nakasulat ang mga pangalan sa aklat ng buhay. Bago pa man likhain ang mundo, ang pangalan nila ay hindi na nakasulat sa aklat na ito. At kapag nakita nila ang halimaw, mamamangha sila dahil buhay siya noon, at namatay na, ngunit nabuhay na naman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.