Pahayag 17

Kulay ube at pula ang damit ng babae, at may mga alahas siyang ginto, mamahaling bato, at perlas. May hawak siyang gintong tasa na puno ng kasamaan at karumihan niya dahil sa kanyang seksuwal na imoralidad.

Revelation 17:4 (UKJV) And the woman was arrayed in purple and scarlet colour, and decked with gold and precious stones and pearls, having a golden cup in her hand full of abominations and filthiness of her fornication:

2Nakiapid sa kanya ang mga hari sa mundo, at ang mga tao naman sa mundo ay parang nalasing sa alak ng kanyang kahalayan.”

3Pagkatapos, napuspos ako ng Espiritu at dinala ako ng anghel sa ilang. Nakita ko roon ang isang babaeng nakasakay sa pulang halimaw. Ang halimaw na iyon ay may pitong ulo at sampung sungay. At ang kanyang buong katawan ay puno ng nakasulat na mga pangalang lumalapastangan sa Diyos.

4Kulay ube at pula ang damit ng babae, at may mga alahas siyang ginto, mamahaling bato, at perlas. May hawak siyang gintong tasa na puno ng kasamaan at karumihan niya dahil sa kanyang seksuwal na imoralidad.

5May mahiwagang pangalang nakasulat sa kanyang noo: Ang Dakilang Babilonia, ang Ina ng Lahat ng Babaeng Bayaran, at ng Lahat ng Kasamaan sa Buong Mundo.

6At nakita kong nalasing ang babaeng iyon sa dugo ng mga hinirang ng Diyos at sa dugo ng mga saksi ni Hesus. Labis akong namangha nang makita ko siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.