10Ang buntot nilang tulad ng sa alakdan ay may kapangyarihang manakit sa mga tao sa loob ng limang buwan.
11May haring namumuno sa kanila, ang anghel na mula sa kailaliman. Ang pangalan niya sa wikang Hebreo ay Abadon, at Apolyon naman sa wikang Griyego.
12Lumipas na ang unang lagim; may dalawang lagim pang darating.
13Pinatunog ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta, at narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sulok ng gintong altar na nasa harapan ng Diyos.
14Sinabi ng tinig sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Pakawalan mo na ang apat na anghel na nakagapos doon sa malaking ilog ng Eufrates!”