Pahayag 9

Pinatunog ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta, at narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sulok ng gintong altar na nasa harapan ng Diyos.

Revelation 9:13 (UKJV) And the sixth angel sounded, and I heard a voice from the four horns of the golden altar which is before God,

11May haring namumuno sa kanila, ang anghel na mula sa kailaliman. Ang pangalan niya sa wikang Hebreo ay Abadon, at Apolyon naman sa wikang Griyego.

12Lumipas na ang unang lagim; may dalawang lagim pang darating.

13Pinatunog ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta, at narinig ko ang isang tinig mula sa apat na sulok ng gintong altar na nasa harapan ng Diyos.

14Sinabi ng tinig sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Pakawalan mo na ang apat na anghel na nakagapos doon sa malaking ilog ng Eufrates!”

15Kaya pinakawalan ang apat na anghel na iyon. Inihanda sila noon pa para sa oras na iyon para patayin ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.