Ruth 2

Nakiusap siya sa akin na payagan ko siyang mamulot ng mga uhay na nalalaglag mula sa mga tagapag-ani. Mula kaninang umagaʼy tuloy-tuloy ang pagtatrabaho niya hanggang ngayon. Nagpahinga lang siya nang sandali sa kubol.”

Ruth 2:7 (UKJV) And she said, I pray you, let me glean and gather after the reapers among the sheaves: so she came, and has continued even from the morning until now, that she tarried a little in the house.

5Tinanong ni Boaz ang kanyang katiwala na nangangasiwa sa mga tagapag-ani, “Sino ang dalagang iyan?”

6Sumagot ang katiwala, “Isa po siyang Moabita na sumáma kay Naomi na bumalik mula sa Moab.

7Nakiusap siya sa akin na payagan ko siyang mamulot ng mga uhay na nalalaglag mula sa mga tagapag-ani. Mula kaninang umagaʼy tuloy-tuloy ang pagtatrabaho niya hanggang ngayon. Nagpahinga lang siya nang sandali sa kubol.”

8Sinabi ni Boaz kay Ruth, “Anak, makinig ka. Huwag ka nang pumunta sa ibang bukid para mamulot ng mga nalaglag. Dito ka na lang mamulot kasama ng mga utusan kong babae.

9Tingnan mo kung saan nag-aani ang mga tauhan ko at sumunod ka sa mga utusan kong babae. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na huwag kang galawin. At kapag nauhaw ka, uminom ka lang sa mga tapayan na inigiban ng mga tauhan ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.