Zacarias 1

“Matindi ang galit ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

Zechariah 1:2 (UKJV) The LORD has been sore displeased with your fathers.

1Noong ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido. Sinabi niya,

2“Matindi ang galit ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

3Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

4Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.