Zacarias 1

Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.

Zechariah 1:4 (UKJV) Be all of you not as your fathers, unto whom the former prophets have cried, saying, Thus says the LORD of hosts; Turn all of you now from your evil ways, and from your evil doings: but they did not hear, nor hearken unto me, says the LORD.

2“Matindi ang galit ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

3Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

4Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.

5Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na.

6Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta? “Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoon ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.