Zacarias 1

Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta? “Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoon ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”

Zechariah 1:6 (UKJV) But my words and my statutes, which I commanded my servants the prophets, did they not take hold of your fathers? and they returned and said, Like the LORD of hosts thought to do unto us, according to our ways, and according to our doings, so has he dealt with us.

4Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.

5Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na.

6Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta? “Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoon ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”

7Sa ikadalawampuʼt apat na araw ng ikalabing-isang buwan, ang buwan ng Shebat, noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido.

8Isang gabi, nakita ko ang isang lalaking nakasakay sa kabayong kulay pula. Nakatayo siya sa gitna ng mga puno ng mirto na nasa lambak. Sa likuran niya ay may mga kabayong kulay pula, kayumanggi, at puti.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.