3Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
4Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.
5Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na.
6Ngunit hindi baʼt nangyari sa inyong mga ninuno ang mga sinabi ko pati ang mga tuntuning iniutos ko sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta? “Kaya nagsisi sila at nagsabing, ‘Pinarusahan tayo ng Panginoon ng mga Hukbo ayon sa ating ginawa, gaya ng kanyang napagpasyahang gawin sa atin.’ ”
7Sa ikadalawampuʼt apat na araw ng ikalabing-isang buwan, ang buwan ng Shebat, noong ikalawang taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido.