Zacarias 1

Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Zechariah 1:3 (UKJV) Therefore say you unto them, Thus says the LORD of hosts; Turn all of you unto me, says the LORD of hosts, and I will turn unto you, says the LORD of hosts.

1Noong ikawalong buwan ng ikalawang taon ng paghahari ni Dario sa Persia, nagpahayag ang Panginoon kay Propeta Zacarias na anak ni Berequias na anak ni Ido. Sinabi niya,

2“Matindi ang galit ng Panginoon sa inyong mga ninuno.

3Kaya sabihin mo sa kanila: Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: ‘Magbalik-loob kayo sa akin at akoʼy babalik sa inyo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

4Huwag ninyong gayahin ang ginawa ng inyong mga ninuno. Silaʼy sinabihan ng mga propeta noon: Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay at gawa.’ Ngunit hindi sila nakinig. Hindi sila sumunod sa akin.

5Ang inyong mga ninuno at ang mga propetang iyon ay namatay na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.