12Sinabi ng Panginoon, “Kayo ring mga taga-Etiopia, ipapapatay ko kayo sa digmaan.”
13Parurusahan ko rin ang Asiria na nasa hilaga. Magiging tulad ng ilang ang Nineve, tigang na parang disyerto.
14Magiging pastulan ito ng mga baka, kambing, at ng ibaʼt ibang uri ng mga hayop sa kawan. Dadapo ang mga kuwago sa mga nasirang haligi, at maririnig ang kanilang huni sa mga bintana. Masisira ang mga pintuan at matatanggal ang mga sedrong kahoy nito.
15Ganyan ang mangyayari sa lungsod ng Nineve, na nagmamalaki na walang sasalakay sa kanila at walang hihigit sa kanila. Ngunit lubusang mawawasak ang lungsod na iyon at titirhan na lamang ng mga hayop sa gubat. At ang bawat dadaan doon ay kukutyain sila, at masisindak sa sinapit nito.