10Sinabi ni Zefanias: Iyan ang ganti sa pagyayabang ng mga taga-Moab at Amonita. Sapagkat ipinapahiya nila at nilalait ang mga mamamayan ng Panginoon ng mga Hukbo.
11Sisindakin sila ng Panginoon dahil lilipulin niya ang lahat ng mga diyos-diyosan sa buong mundo. At sasambahin siya ng mga tao sa lahat ng bansa sa kani-kanilang bayan.
12Sinabi ng Panginoon, “Kayo ring mga taga-Etiopia, ipapapatay ko kayo sa digmaan.”
13Parurusahan ko rin ang Asiria na nasa hilaga. Magiging tulad ng ilang ang Nineve, tigang na parang disyerto.
14Magiging pastulan ito ng mga baka, kambing, at ng ibaʼt ibang uri ng mga hayop sa kawan. Dadapo ang mga kuwago sa mga nasirang haligi, at maririnig ang kanilang huni sa mga bintana. Masisira ang mga pintuan at matatanggal ang mga sedrong kahoy nito.