1Magtipon kayo at magsama-sama, kayong mga bansang walang kahihiyan,
2bago dumating ang itinakdang araw na kayoʼy palalayasin at ipapadpad na parang mga ipa. Magsisi na kayo bago dumating ang araw ng pagbuhos ng Panginoon ng kanyang matinding poot.
3Kayo namang mga mapagpakumbaba at sumusunod sa mga utos ng Panginoon, hanapin ninyo siya. Ipagpatuloy ninyong itaguyod ang katuwiran at pagpapakumbaba. Baka sakaling ingatan kayo ng Panginoon sa araw na ibuhos niya ang kanyang galit.
4Wala nang titira sa Gaza at iiwang wasak ang Ashkelon. Wala nang tao sa Asdod pagdating ng tanghaling tapat, at lalayas na ang mga mamamayan ng Ekron.
5Nakakaawa kayong mga Kereteo na nakatira sa tabing-dagat. Ito ang sinasabi ng Panginoon laban sa inyo: “Kayong mga Filisteo sa Canaan, lilipulin ko kayo, at walang matitira sa inyo.”