14Sinabi ni Zefanias: “Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso!
15Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng Panginoon. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang Panginoon, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
16Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo.
17Sapagkat kasama ninyo ang Panginoon na inyong Diyos. Siya ay isang mandirigmang magliligtas sa inyo. Siyaʼy magagalak sa inyo, at sa kanyang pag-ibig kayoʼy kanyang panunumbalikin. Sa kanyang kagalakan ay kanyang aawitan.”
18Sinabi ng Panginoon, “Titipunin ko kayong mga naghihinagpis dahil sa kapistahan. Ililigtas ko kayo sa kasawian para hindi na kayo malagay sa kahihiyan.