12Ngunit mag-iiwan ako sa gitna ninyo ng mga taong inaapi at aba. Ang mga naiwang ito ay patuloy na magtitiwala sa Panginoon.
13Ang mga Israelitang ito ay hindi gagawa ng masama; hindi sila magsisinungaling o mandadaya. Kakain at matutulog silang payapa at walang kinatatakutan.”
14Sinabi ni Zefanias: “Kayong mga mamamayan ng Israel, sumigaw kayo sa tuwa! Kayong mga mamamayan ng Zion, ang lungsod ng Jerusalem, umawit kayo at magalak nang buong puso!
15Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng Panginoon. Palalayasin niya ang inyong mga kaaway. Kasama ninyo ang Panginoon, ang Hari ng Israel, kaya wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
16Sa araw na iyon, sasabihin ng mga tao sa mga taga-Jerusalem, Mga mamamayan ng Zion, huwag kayong matakot; magpakatatag kayo.