1 Mga Cronica 22

Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”

1 Chronicles 22:1 (UKJV) Then David said, This is the house of the LORD God, and this is the altar of the burnt offering for Israel.

1Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”

2Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan sa Israel. Pumili siya sa kanila ng mga tagatabas ng bato para sa bahay ng Diyos.

3Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.