1 Mga Cronica 22

Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.

1 Chronicles 22:3 (UKJV) And David prepared iron in abundance for the nails for the doors of the gates, and for the joinings; and brass in abundance without weight;

1Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”

2Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan sa Israel. Pumili siya sa kanila ng mga tagatabas ng bato para sa bahay ng Diyos.

3Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.

4Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tiro.

5Sinabi ni David, “Bata pa ang anak kong si Solomon at wala pa siyang karanasan. Kailangang ang bahay ng Panginoon na itatayo ay napakaganda at magiging tanyag sa buong mundo. Kaya paghahandaan ko ito ngayon pa lang.” Kaya lubusan ang paghahandang ginawa ni David bago siya mamatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.