1Pagkatapos, sinabi ni David, “Dito sa lugar na ito itatayo ang bahay ng Panginoong Diyos at ang altar para sa mga handog na sinusunog ng Israel.”
2Nag-utos si David na tipunin ang mga dayuhang naninirahan sa Israel. Pumili siya sa kanila ng mga tagatabas ng bato para sa bahay ng Diyos.
3Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.
4Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tiro.