3Nagbigay si David ng napakaraming bakal upang gawing mga pako at bisagra para sa mga pintuan, at maraming tanso na hindi na matimbang sa sobrang bigat.
4Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tiro.
5Sinabi ni David, “Bata pa ang anak kong si Solomon at wala pa siyang karanasan. Kailangang ang bahay ng Panginoon na itatayo ay napakaganda at magiging tanyag sa buong mundo. Kaya paghahandaan ko ito ngayon pa lang.” Kaya lubusan ang paghahandang ginawa ni David bago siya mamatay.
6Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
7Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng bahay para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Diyos.