1 Mga Cronica 22

Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

1 Chronicles 22:6 (UKJV) Then he called for Solomon his son, and charged him to build an house for the LORD God of Israel.

4Naghanda rin siya ng napakaraming kahoy na sedro na dinala sa kanya ng mga Sidoneo at Tiro.

5Sinabi ni David, “Bata pa ang anak kong si Solomon at wala pa siyang karanasan. Kailangang ang bahay ng Panginoon na itatayo ay napakaganda at magiging tanyag sa buong mundo. Kaya paghahandaan ko ito ngayon pa lang.” Kaya lubusan ang paghahandang ginawa ni David bago siya mamatay.

6Pagkatapos, ipinatawag ni David ang anak niyang si Solomon at inutusang ipatayo ang bahay para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

7Sinabi ni David kay Solomon, “Anak, gusto ko sanang magpatayo ng bahay para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon na aking Diyos.

8Ngunit ito ang sinabi niya sa akin: ‘Sa dami ng labanang napagdaanan mo, maraming tao ang napatay mo, kaya hindi kita papayagang magpatayo ng bahay para sa aking karangalan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.